Monday, October 15, 2012

The Stone

I am just Happy and I feel so blessed! :)
In my journey , maraming lubak. Hindi ganun kapatag ang daan na dinadaanan ko.
May mga pagkakataon na may mga taong humaharang na sa gusto kong patunguhan pero matigas ang ulo ko.
Tinutuloy ko pa rin.
Hindi ganun kadali. Hindi ganun kagaan. Pero ganun ako katibay para ipagpatuloy.
Sobrang saya ko lang sa mga nagagawa,nararating at nararanasan ko ngayon.
"Teenager ka lang" yan ang sinasabi nila sakin kapag nalalaman nila pangarap ko sa buhay.
Pero walang kahit sino man ang pwedeng magdikta ng kayayahan ko o kapasidad ng isang Teenager.
Nung Elementary ako. Assignment namin nun , irelate daw sa isang bagay yung sarili namin.
"STONE" yung dinrawing ko kasi yun yung madaling idrawing. hehe :)
Pero habang nagkakaisip na ko. May point din pala yung dinrawing ko nung elementary ako.
Hindi dahil , matigas ang puso ko. Kundi dahil.
Ang isang bato. Kahit ibato , madaganan , masagasaan, sirain.
May mga part na mawawala saknya. OO. Pero mananatili pa rin yung mismong Bato.
Sa buhay ko. Madami ng pagkadapa , pag-iyak , panghihina ng loob ang nangyari sakin.
May mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko. Na para bang gusto ko na lang magpadala sa mga sinasabi ng mga tao.
Pero HINDI e. Hindi ganun si KRIZIA. Kaya tinuloy kong harapin ang laban ng buhay.
Nanatili pa rin akong buo kahit maraming dilubyo ang dumaan.
Ngayon , pag lumilingon ako at binabalikan ang dinaanan ko.
Napapangiti na lang ako. At nasasabi sa sarili ko,
"Akalain mong nalampasan ko yun"
Lalo pa ngayon na mas kilala ko na sarili ko at malayo na ang narating ko kumpara sa Noon. Walang dahilan para huminto ako abutin ang mga pangarap ko para sakin at sa pamilya ko.
Sila ang lakas ko kung bakit ako ganito ngayon. :D
Sobrang Mahal na mahal ko pamilya ko at ang mga taong nananatli sa tabi ko sa kabila ng lahat.
Sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko. At sa mga hindi , salamat na din. Dahil sa inyo lalo ko gusto pang higitan ang mga nagawa ko. Hindi dahil para patunayan sa inyo na kaya ko. Kundi dahil alam kong KAYA KO.
Masaya ang buhay! :) Manalig at gawin mo lang ang bagay na alam mong ikasasaya mo at walang natatapakang ibang tao. :)

0 comments:

Post a Comment

 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon