Monday, August 6, 2012

My First Experience

I just love my Mom so much. :) :*
Ilang araw na masama pakiramdam ni Mommy dahil sa Highblood niya. So , kami magkapatid nlng ang gumagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay para makapagpahinga siya. Kahapon , hindi ako nagdalawang isip na sabihin kay Mommy na ako na ang mamalengke at mamili ng mga paninda para dito sa tindahan. At hindi rin siya nagdalawang isip na payagan ako. hahaha LOL.
Inilista ko na mga bibilhin ko. Umuulan ulan non. Pero hindi ko ininda. Waa. First time ko mamalengke mag-isa. Pagbaba ko ng tricycle , di ko expected na medyo baha pala dun sa lalakaran ko. Pero GO lang. Pagdating ko sa palengke ang una kong binili ay ang paninda para sa tindahan. At ang bait ni God kasi saktong pagsilong ko , biglang bumuhos ang malakas na ulan. As in malakas na ulan. Ang tagal ni ate asikasuhin yung paninda ko at habang inaayos niya. Umiikot na mata ko kung san ako bibili ng Manok para sa hapunan. May mga dumadaan kasing Jeep natatkot pa naman ako tumawid kasi di ko na masyado makita daan , sa sobrang lakas ng ulan. Buti nlng sa tabing tindahan may bilihan ng mga baboy at manok. Di ko alam kung pipili ba ko nung manok , e hindi ko naman alam kung ano yung pipiliin ko. Kaya sinabi ko na lang kay Kuya na halagang 60pesos lang tas puro legs. Ayun , 63 pesos siya pero 60pesos nlng daw bayaran ko. Bait ni Kuya. hehe. Pagkakuha ko ng mga paninda at ng manok , di ako makatawid naghanap muna ko ng may kangkong na tinda. Nakaktakot kasi tumawid e. At may nakita ko sa kabilang kalsada. Pinuntahan ko kagad. Wala yung tindera, wala na kong oras para hintayin pa siya kasi basang basa na ko. Tas may lumapit na lalake at bibili din siya , sabi niya "Kumuha na lang tayo ,wala namang tao e" sabi ko "Iwan nlng po natin yung bayad" tas tinanong ko kung magkano kangkong. Sabi niya 20pesos. tas sabay sabing "Joke lang, limang piso lang yan". haha. First time ko mamili e. haha
Pgtapos nun , nagtanong ako kung san may generics na botika , sabi sa likod daw. Wag na daw ako tatawid. Lakad ako at lusong sa baha. No choice e. Pagtapos ko sa botika, uuwi na dapat ako. Pero iikot pa ko para sumakay ng jeep. At may nakita pa kong bilihan ng mga prutas at gulay, naisip ko bilhan ng Mais si Mommy. E hindi ako familiar sa palengke so nagtanong ako. At hindi nila maituro sakin kung san talaga. Kaya nag-ikot nalang ako. And luckily , sa wakas nakita ko na din. Tinanong ko kung magakano mais. Sabi niya 40 daw. Isip isip ko, mahal pala ng isang piraso ng mais. Sinubukan kong tumawad , yun apla. Isang kilo na pala yung tinutukoy niya! hahaha. Natawa si ate sakin e. Tas bumili ako kamote kasi yun lang ang mga pwedeng kainin ni Mommy. Ang bigat na ng dala ko. Nagmamadali na kong umuwi kasi ang lakas na ng ulan. Natatakot na ko. haha. At nakarating naman ako sa bahay ng safe. At ng makita ko ni Mommy , mejo naluluha siya at nakangiti. ung makita ko mga ngiti niya , biglang nawala pagod ko at sakit ng paa ko. :)

Nakakapagod pala mamalengke. Saludo ko sa mga Tao na araw araw namamelengke para may maihain sa pamilya nila. :) Lalo na kay Mommy at Daddy. :* Ang saya ng experience ko.

Huwag mong hayaan na matapos ang isang araw na walang nadagdag sa pagkatao mo. At lage mong iparamdam sa mga magulang mo na Mahal na Mahal mo Sila. :)

0 comments:

Post a Comment

 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon