Sunday, January 15, 2012

Thankyou 2011! Welcome 2012! :)

This is my first blog for 2012! I'll start this blog by greeting all of you a Happy New Year! :))
Bagong taon na naman.Thankyou God for the another year! :)
Madaming nangyari sa mga nakraang taon ng buhay ko. May pagkakataong nadapa , nasaktan , nalungkot , bumangon , naging masaya at tinuloy ang buhay.
2011 is such a unforgettable year of my life. Sobrang iba tong taon na to! At dahil dito , mas naging matibay ako. Mas naintindihan ko ang buhay. Mas naapreciate ko ang mga maliit na bagay.
Siguro kaya sabi nila na , "16 kpa lang pero ganyan na ang pananaw mo sa buhay" E kasi naman , ang bait ni God para iblessed ako ng ganito.
May mga pagkakataong si God na lang ang nakakapitan ko. Sakanya ko kumukuha ng lakas kasi mismong pamilya ko ako ang nagpapalakas ng loob. Na tipong di dapat ako magpakita ng kahinaan kasi ayokong makitang nasasaktan ako. Kahit ang bigat bigat na :(
Mas naintindihan ko ang realidad ng buhay. Nadapa ka na sa isang sitwasyon , paulit - ulit pang tinatadyakan. Alam mo yung ganong pakiramdam? Pero hindi ako sumuko. Patuloy akong tumayo at nagig matibay.
Gabi-gabi akong nagdarasal na sana marealize ng mga taong to na hindi na maganda yung ginagawa nila. Si daddy , mommy at ang bunso kong kapatid ang nagbibigay lakas sakin para ipagpatuloy ang buhay ng may magandang ngiti sa labi at malinis na puso para patawarin sila. Na kahit ang ibang tao sa paligid namin ang dahilan kung bakit nasasaktan kami. Ang lagi naming sinasabi , hayaan na natin masaya naman tayong apat e! :') 
Ang tanong ko palagi , God bakit ako? bakit kami? bakit ganyan sila samin? Di man niya ako sinasagot ng personal , pero narramdaman ko. Kasi alam niya na hindi ako susuko sa kahit anong laban na dumaan sa buhay ko!
Pero nagpapasalamat pa din ako sa mga taong tumulong samin para maging matibay. Lalu na ang isang taong malaki ang naging suporta samin. Nasa ibang bansa man siya pero mas naramdamn namin ang pagmamalasakit niya kaysa sa mga taong nandito lamang sa paligid namin. Pati na din ang mga tao na sumuporta samin emotionally.
Dumadating pala talaga sa buhay natin na di natin aakalain na malalampasan natin ang mga ganung pagsubok.
Kaya ngayong BAGONG TAON , ako'y mas naging matibay at matatag. Mas nagiging positibo sa buhay at walang aatrasan na laban.
Alam kong nandiyan lang si God at may mga tao siyang inilaan para tumulong samin at magpalakas ng loob.
Nagpapaslamat ako kasi dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay , ito pa din ako, nakatayo at nananatiling matatag.
Hindi ko magawang magalit sakanila. Kung ang ibang tao nga nagagwa kong patawarin. Blood is sticker than water. Pero hindi ko makakalimutan ang mga pangyayari na nagmulat sakin sa buhay.
I really appreciate life! And I'm thankful for all the people na andiyan para sakin! :)
Sa panibagong taon , nagpapasalamat ako dahil mas naging matatag ako , tumiby ang pundasyon ng pagmamahaln nmin nila Mommy , daddy ,march at mas naging strong ang pananampalataya ko sa Diyos. :) At hindi ako titigil hangga't hindi ko naacchieve ang goal ko sa buhay! :)


0 comments:

Post a Comment

 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon