Thursday, February 21, 2013

Sacrifices.

           I woke up early this Morning because my Mom want us to have breakfast together. When she opened the TV , the show was "Umagang kay Ganda" , we are watching while eating. There portion "Sabi ni Misis , Sabi ni Mister" have the topic if napag-uusapan ba ng mag-asawa yung kawalan ng oras sa pamilya. The main reason of that is because of work. They interviewed one family about that topic. The husband have 2 jobs , as Barangay Tanod and a Travel agent. So obviously , he doesn't have too much time to spend for his family. The wife said that they will have time with each other but a very short time because of the busy schedule of her husband. Even though to his daughters/sons , the man don't have any quality time.

           I just realized. As a daughter , our parents do so much sacrifices when we were still baby. Sa pagdadala pa lang satin ng 9 na buwan ng nanay natin nung pinagbubuntis niya tayo. Sa paghihirap niya sa panganganak na sinasabing ang isang paa nila ay nasa hukay. At ng maipanganak tayo , halos oras oras nakatutok sila sa'tin. Umaga , tanghali , gabi at madaling araw para lang makasigurado na safe tayo. Gumigising ng madaling araw para magtimpla ng gatas at magpalit ng pampers. Hinahabol-habol tayo pag takbo tayo ng takbo habang naglalaro. Ang mahabang pasensya pag ayaw natin maligo kasi may iba pa tayong pinagkakaabalahan. Ang pagkayod sa trabaho ng sobra sobra para mabili lang yung gusto nating laruan. Ang pag-aala at mga pag-iyak na pinagdaanan nila pag nagkakasakit tayo at ang hiling ay sana sila na lang ang nagkasakit. Dahil ayaw tayo makitang nahihirapan.

            Hanggang ngayon na naging dalaga at binata na. Ang pag-iisip kung san kukuha ng pang-tuition sa school. Kung saan huhugot ng pera para pang allowance araw-araw. Ang pag-aalala pag gabi na at hindi pa tayo nakakauwi. Ang pagtanggap na hindi na lang sila ang pinaglalaanan natin ng oras kundi kasama na ang barkada. Ang natatanggap nilang pangangatwiran galing satin.

           Ilan pa lang 'to sa mga naging sakripisyo nila sa'tin. Na ngayon na teenager at young adults na ang mga anak nila. Siguro oras na para magsakripisyo na rin tayo na tulungan sila. Hindi ko nilalahat , pero ilan sa mga kabataan ang hindi nakikita ang paghihirap na yun. Ginagamit sa bisyo o sa luho ang perang pinaghihirapan nila. Yung iba kumukupit pa. Natanong mo na ba ang sarili mo minsan kung may mga nagawa ka na ba para sakanila? Kung sapat na ba 'yon? Kung hanggang kailan sila magsasakripisyo? At kung kailan ka gagawa ng aksyon?

           Kung makikita natin , nagsasakripisyo sila na magtrabaho para satin. Hindi sila bumabata para hindi maramdaman ang mga sakit ng katawan. Na dapat sa edad nila ay nagpapahinga na lang sila sa bahay at tayo naman ang nag-aalaga sakanila.
Hindi dahilan na student pa lang ako e  , teenager pa lang ako , di pa ko nkakagraduate e kaya di pa makapag-trabaho. DAHILAN LANG YAN! DAHIL MARANMING KABATAAN ANG SA MURANG EDAD NAKAKTULONG NA SA MGA MAGULANG KUNG GUGUSTUHIN LANG!
Madaming paraan. Sobrang dami. Ayaw mo lang.

           At saludo ako sa mga anak na gumawa na ng paraan para makatulong sa mga magulang nila. Na iniisip ang kapakanan ng pamilya at inuuna sila bago ang sarili.

Mahal natin ang mga magulang natin at mahal din nila tayo kaya kahit nahihirapan sila. Hindi sila nagsasalita. Pero matuto tayo makiramdam. Maikli lang ang buhay. :) Iparamdam natin sakanila ang pagmamahal natin.

0 comments:

Post a Comment

 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon