Monday, January 7, 2013

3/365 | Home sweet home

Eto na. Pauwi na kami sa Manila. Nakaka-miss. Ang daming nangyari sa Batangas kahit 1 day lang kami dun.
12am kasalukuyan na kaming bumibiyahe pabalik ng Manila.
Nag-stop over kami sa Tagaytay. Gggggrrrr. Super lamig. Nakashorts pa ko. Gosh. hehe. Nakatulog na si TY habang kandong ko siya sa car. Lumabas kami ng car ng buhat buhat ko siya. Pero ramdam ko na giniginaw siya kahit may jacket na kaya hiniga ko muna siya sa loob ng car katabi ni Baby Gayle.
Nag-kape ang sila then biyahe ulit.
Stop over sa SLEX mga 1am ata yun. Di ako sure. Antok na rin ako. Kain kami sa KFC. sa gutom,umorder ng isnag bucket. Yummy! Kumain ako ng favorite kong Macaroni. :)
Then , sa kalapit lang na table namin. Parang ang cool ng mga dating. Halatang mga rockstar! \m/ Sabay sabi ni Uncle kay Ate Shie na yun yung favorite band ni Kuya Jo "Queso" daw pero di kami sure. Tinawagan ko sa phone si Kuya Jo kasi di na siya kumain and nag-stay lang siya sa car and I told him na nasa loob ng KFC yung favorite band niya pero ayaw niyang maniwala.
Habang kumakain kammi pinag-uusapan namin na yung Queso band pala yun. Ilang beses namin binanggit ng binanggit yung name ng band. Then sumilip na si Kuya Joey. sabay sabi niya. "Chicosci" yan. hahaha. Tawanan kami ng tawanan. Mali pala yung akala namin. Then , sabi nnila papicture daw kami. Ang gwapo naman kasi ng vocalist nila. :D
After that , isang mahabang biyahe na naman. 3am na kami nakarating ng manila. Nagdadalawang isip kami ni Mommy kung uuwi na ba kami sa bahay kasi dumiretso muna kami ng Marikina kasi andun pa mga gamit namin.
Sabi ni Mommy wag na daw Gising na lang daw ng maaga. Kasi may pasok na din ako ng 7:30am. Accounting subject ko pa yun. Major ko.
Tulog na kami at nagising kami 6am na. As usual , di na rin ako makakapasok. Hay. Last day bago magbakasyon hindi na ko pumasok. Pati ba naman first day. hehe :)

Mga 4pm umuwi na kami sa bahay kasama sila Uncle. Kasi parehas lang kami ng way.
Finally , home sweet home! :)

0 comments:

Post a Comment

 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon