May mga batang suki kami sa pangangalakal nila. Araw-araw dumadaan dito at sumisigaw ng "Ate , kalakal po" pag narinig na namin yun nagaatubili agad kami mag-abot. Bakit? Kasi mahalga sakanila oras.
Nung may tindahan kami. Lage sila nangangalakal at humihingi ng tubig samin. mga 4- 9 y/o yung mga batang yun. Ininterview ni Mommy isang beses yung mga bata. Nalaman namin , magkakapatid pala sila. Yung iba barkada nila.
Ang dudungis nila. Walang tsinelas. Pero sa mga mata nila , makikita mong mahirap pinagdadaanan nila.
Lage kami nakikipagbiruan sa mga batang yun. Pag binibigyan namin sila ng tubig , ang saya nug mga ngiti nila sa mata.
Nakakaawa sila. Kasi nagtatrabaho at nag-aaral sila. Minsan nangangalakal na sila ng wala pang kain.
Dito sa Mandaluyong , nakakaabot sila hanggang Baywalk ng naglalakad lang at walang tsinelas.
Pero pag gabi , may nakikita kaming kasunod nila na babaeng buntis at may dalang bata. Hinala namin nila Mommy yun yung nanay nila. Nakakainis isipin kasi anim sila magkakapatid tas ganun yung nangyayare.
Pag nakikita nila kami sa labas. Lage nila kami tinatawag. Kanina lang , nakita nila ko sa palengke. Tinawag nila kami ni Mommy at ngumingiti sila. Nakipagusap lang ko saglit. Halos lahat ng dumadaan nakatingin samin. Siguro nagtataka kung bakit ko sila kausap. Pero di ko na lang sila pinansin.
Malapit na ang pasko. Gusto ko sila tulungan. Nakakaawa lang tlga. At nakakatuwa na sa simpleng binibigay mong tulong sakanila. Appreciated na nila.
Samantalang tayo na meron , puro reklamo. Sila walang tsinelas , tayo nagrereklamo pag nasira yung sapatos natin.
Sabi ko sakanila sa Pasko , pumunta sila sa bahay. Siguro yun ang isa sa mga paraan ko para ibalik sa iba ang mga natanggap kong biyaya. Tulungan natin sila. :) Masarap sa pakiramdam.
Madumi man silang tingnan pero napakalinis ng puso nila. Mga batang walang muwang na dapat ay naglalaro lang sa tapat ng bahay. Pero sila. Bitbit ang sako na mas malaki pa sakanila. Kagaya ng buhay nila. Mabigat man pero patuloy pa rin sila. Dahil hindi sila nawawalan ng pag-asa. Tuloy lang. Andyan si God. :)
0 comments:
Post a Comment