Wednesday, November 21, 2012

Start Young , Think Big , Stick With It



I Start Young - Knowing my God's purpose
I Start Young - Helping my FAMILY
I Start Young - D
reaming
I Start Young - Learning
I Start Young - Investing
I Start Young - Thinking outside the box
I Start Young - Helping other people
I Start Young - Inspiring others
I Start Young - Traveling the world
I Start Young - Exploring my potentials
I Start Young - Sharing my knowledge
I Start Young - Writing books
I Start Young - Building my OWN Businesses
I Start Young - Understanding life
I Start Young - Facing reality
I Start Young - Sharing my life stories
I Start Young - Getting up every time I fall
I Start Young - Appreciating life
I Start Young - Having a visions in life
I Start Young - DOING and LEADING
I Start Young - Learning from my experiences
I Start Young - Improving my STRENGTHS
I Start Young - Embracing my Weaknesses
I Start Young - Setting my GOALS
I Start Young - Creating my REALITY

We don't live forever; we only have one life to spend; We don't know what will happen tomorrow; we don't know how long we can live. What we are only sure is what we can do TODAY.

Give your best shot and design life instead of creating a living.
Grow up not grow old.





Smile. This makes life easier. :)

Your forever buddy,
Zia
Continue Reading...

Sunday, November 18, 2012

Dirt doesn't mean Dirty

Pag may nakikita tayong street children sa daan. Yung iba siguro nattakot. Nandidiri. or ayaw dumikit. Hindi ko alam. Pero mali e. Madumi sila oo. Sa panlabas lang. Pero hindi natin alam yung pinagdadaanan nila.
May mga batang suki kami sa pangangalakal nila. Araw-araw dumadaan dito at sumisigaw ng "Ate , kalakal po" pag narinig na namin yun nagaatubili agad kami mag-abot. Bakit? Kasi mahalga sakanila oras.
Nung may tindahan kami. Lage sila nangangalakal at humihingi ng tubig samin. mga 4- 9 y/o yung mga batang yun. Ininterview ni Mommy isang beses yung mga bata. Nalaman namin , magkakapatid pala sila. Yung iba barkada nila.
Ang dudungis nila. Walang tsinelas. Pero sa mga mata nila , makikita mong mahirap pinagdadaanan nila.
Lage kami nakikipagbiruan sa mga batang yun. Pag binibigyan namin sila ng tubig , ang saya nug mga ngiti nila sa mata.
Nakakaawa sila. Kasi nagtatrabaho at nag-aaral sila. Minsan nangangalakal na sila ng wala pang kain.
Dito sa Mandaluyong , nakakaabot sila hanggang Baywalk ng naglalakad lang at walang tsinelas.
Pero pag gabi , may nakikita kaming kasunod nila na babaeng buntis at may dalang bata. Hinala namin nila Mommy yun yung nanay nila. Nakakainis isipin kasi anim sila magkakapatid tas ganun yung nangyayare.
Pag nakikita nila kami sa labas. Lage nila kami tinatawag. Kanina lang , nakita nila ko sa palengke. Tinawag nila kami ni Mommy at ngumingiti sila. Nakipagusap lang ko saglit. Halos lahat ng dumadaan nakatingin samin. Siguro nagtataka kung bakit ko sila kausap. Pero di ko na lang sila pinansin.
Malapit na ang pasko. Gusto ko sila tulungan. Nakakaawa lang tlga. At nakakatuwa na sa simpleng binibigay mong tulong sakanila. Appreciated na nila.
Samantalang tayo na meron , puro reklamo. Sila walang tsinelas , tayo nagrereklamo pag nasira yung sapatos natin.
Sabi ko sakanila sa Pasko , pumunta sila sa bahay. Siguro yun ang isa sa mga paraan ko para ibalik sa iba ang mga natanggap kong biyaya. Tulungan natin sila. :) Masarap sa pakiramdam.
Madumi man silang tingnan pero napakalinis ng puso nila. Mga batang walang muwang na dapat ay naglalaro lang sa tapat ng bahay. Pero sila. Bitbit ang sako na mas malaki pa sakanila. Kagaya ng buhay nila. Mabigat man pero patuloy pa rin sila. Dahil hindi sila nawawalan ng pag-asa. Tuloy lang. Andyan si God. :)
Continue Reading...

Tuesday, November 6, 2012

Day 3 The Student

Katatapos ko lang gumawa ng activity sa CSC.
Busy na busy mga clasmates sa exercise. Oh kay saya maging estudyante. hahah
Wala kong magawa kaya nagblog na lang ako.
After nito 30mins. break ko na naman.
Hagol na naman ako sa pagkain kasi may next class pa. Buti na lang hindi hassle yung prof ko dun. Pwede ma-late ng 15mins. Saka ang cool niya na prof. Ang ganda pa niya :)
Anyways , 2nd subject ko na 'to.
English yung first subject ko na 7:30am. Takot ako dun sa prof na yun. Nung 1st meeting kasi hindi siya ngumingiti. Tapos akala ko suplada. Pero sa lecture namin kanina. Kwela din pala siya. Kaya hindi ako naniniwala sa "1st impression lasts" e. haha.
Okay siya magturo. Alam kong matututo talaga ko. Hindi lang sa subject na yun , kundi sa maraming bagay pa. Nakakaexcite diba? Yung machachallenge ka.
Tumatawa siya habang nagtuturo kanina. Nagsesermon siya kasi wala agad sumasagot sa mga tanong niya pero kinaklaro niya na hindi siya galit. Nakakatuwa lang :)
 Gusto niya talaga matuto mga estudyante niya.
Mukhang hindi ko makakalimutan tong prof ko na 'to :) Kahit oldies na siya , maganda siya.
Ayun , maya na ulit kwento. May pinagawa ulit na exercises.
Till next time. :*


Eto activity ko oh. Malabo nga lang. hehe
Continue Reading...
 

Dare To Stand Out Copyright © 2013 Krizia Anne Pilapil | Design Edited by Jerson Girl Vector by Ipietoon